Mahigit 100k na pamilya, inilikas dahil sa pananalasa ni ‘Ulysses’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Mahigit 100,000 katao ang inilikas matapos humagupit ang Bagyong Ulysses sa ilang bahagu ng Luzon, wika ng isang disaster response official noong Huwebes.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal na maraming pamilya sa Bicol Region ang nananatili sa evacuation centers bago pa man manalasa ang bagyo.

Aniya, “We’re hoping that because of the preemptive evacuation that have been done and people staying in evacuation centers, we would have minimal to zero casualties in the area.”

Ayon kay Timbal, kinukumpirma pa nila ang mga naiuulat na nasawi sa Bicol Region, na hindi pa nakakabangon mula sa pinsalang idinulot ng Bagyong Rolly.

Batay naman sa Office of Civil Defense (OCD) Region 5 noong Miyerkules, isang 68-anyos na lalaki umano ang nalunod sa bayan ng Daet habang missing naman ang tatlong katao sa Vizons, Camarines Norte bago pa man tumama sa lupa si Ulysses.

Nakatanggap din ang NDRRMC ng malawakang brownouts sa ilang lalawigan matapos mag-landfall si Uysses sa Quezon province.

Matinding pagbaha naman ang naiulat sa lalawigan ng Rizal, kung saan ilang mga residente ang umakyat sa bubong ng kani-kanilang mga tahanan dahil sa bahang aabot sa 10 feet, giit ni Timbal.

Nagkaroon din umano ng rescue operations sa Marikina City sapagkat umabot na sa third alarm ang lebel ng tubig sa Marikina River.

LATEST

LATEST

TRENDING