Duterte: Gobyerno, mangungutang ng ₱14.5 B para sa pagbili ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na nagbabalak ang pamahalaan na mangutang ng $300 milyon o nasa ₱14.5 bilyon para gamitin sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19.

Ito ay matapos iulat ng American pharmaceutical firm na Pfizer at German partner na BioNTech noong Lunes na 90% effective ang kanilang bakuna batay sa kanilang analysis.

“(Finance Secretary) Sonny (Dominguez III) says he can borrow money of $300 million. That is big and we can buy those. But I think it would do us well to realize that they will prioritize their people first,” wika ni Duterte sa kanyang lingguhang pagpupulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Malacañang.

Muling idiniin ng pangulo ang kanyang pangako na pabakunahan ang lahat ng mga Pilipino, habang binibigyang prayoridad ang mga mahihirap.

Aniya , “Hindi na talaga nakakatakot ang Covid. But sa ngayon, magbili ka mahal. But as I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino. Kaya umpisahan natin sa mga mahirap.”

Unan namang sinabi ni vaccine czar at pandemic response Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na ang pinakamaagang posibleng maging rollout ng bakuna sa bansa ay sa Mayo hanggang Hulyo 2021.

Samantala, sinabi naman ni dating United States Food and Drug Administration (US FDA) Associate Commissioner Peter Pitts na mangangailangan ang mundo ng mahigit isang bakuna sapagkat may iba’t-ibang approaches umano laban sa nakamamatay na sakit.

“The Moderna vaccine, for example, is collecting data to show that it is effective for an elderly population. Other vaccines might say they are more effective for pediatric population. We’re gonna learn by doing it, the technology will only get better over time,” paliwanag ni Pitts.

Umaasa si Pitts na makakukuha ang Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine ng emergency use authorization mula sa US FDA sa lalong madaling panahon upang mapahintulutan ang rollout ng mass vaccination para sa medical at essential workers sa pag-uumpisa ng 2021 at sa buong populasyon ng mundo pagsapit ng Easter 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING