Bagyong Ulysses, nasa West PH Sea na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nasa ibabaw na ng West Philippine Sea ang Bagyong Ulysses, subalit inaasahang magdadala pa rin ito ng matinding ulan at hangin sa ilang mga lugar.

Sa 11 a.m. update ng PAGASA, sinabi nitong natagpuan sa western seaboard ng Zambales noong 8 a.m. ang bagyo at posibleng lumakas pa ito sa dagat.

“Inaasahan po na kikilos pa-kanluran itong bagyo diyan sa West Philippine Sea. Posible pa itong bahagyang lumakas dahil makakapag-ipon ulit ito ng enerhiya habang nasa gitna ng karagatan,” ani PAGASA forecaster Ariel Rojas.

Huling namataan si Ulysses sa layong 85 kilometers west ng Iba, Zambales, at posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa Biyenres ng umaga.

Ayon sa PAGASA, posibleng maranasan ang heavy hanggang torrential na mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, Pampanga, at Tarlac hanggang Huwebes ng hapon.

Hinagupit ni Ulysses ang ilang bahagi ng Luzon, taglay ang malakas na hangin at mabigat na pag-ulan sa mga lugar na hindi pa rin nakakabangon mula sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Binaha rin ang ilang bahagi ng Metro Manila, Camarines Norte, at Catanduanes.

LATEST

LATEST

TRENDING