Malacañang, umaasang paluluwagin ni Biden ang patakaran para sa mga ‘TNT’ sa US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Profile: President-Elect Joe Biden, a life in service | US & Canada | Al  Jazeera
US President-elect Joe Biden
Kuha ni: Andrew Harnik (The Associated Press)

Umaasa ang Malacañang kay US President-elect Joe Biden na paluluwagin nito ang patakaran para sa overstaying na mga Pilipino sa Estados Unidos upang mabigyan ng oras na ayusin ang kanilang mga papeles at makapagtrabaho nang ligal.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaaasa ang administrasyong Duterte na mabibigyan ng maayos na treatment ang mga Pilipinong migrants, lalo na ang mga illegal aliens. Sila ay kilala rin bilang mga TNT o “tago nang tago,” isang colloquial na termino para sa undocumented immigrants.

“Sa larangan ng immigration, inaasahan natin na sana magkaroon ng policy shift under a Democratic administration dahil napakaraming Pilipino na naninirahan sa Estados Unidos,” ani Roque noong Lunes.

Dagdag pa nito, “Bagama’t merong ilan sa kanila ay ‘yung mga tinatawag nating TNT o mga ilegal, napakalaki namang papel ang ginagampanan nila sa Estados Unidos at mabigyan sana sila ng pagkakataon na maging legal (na residente).”

Mayroong tinatayang apat na milyong Pilipino sa US. Halos kalahati naman nito ay rehistradong mga botante.

Nagpadala naman si Pangulong Rodrigo Duterte ng congratulatory message kay Biden nitong weekend matapos itong manalo sa pagkapangulo ng US.

“Tiwala naman tayo na dahil napakalapit ng relasyon ng Pilipinas at ng Estados Unidos, patuloy na magiging mas mabuti pa ang ating samahan sa ilalim ng pamumuno ni President Duterte at ni President-elect Biden,” giit ni Roque said.

Magiging bukas umano si Duterte kung iimbitahin ito ni Biden na bumisita sa US.

LATEST

LATEST

TRENDING