Malacañang: Gierran, gustong palawigin ang dialysis coverage

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PhilHealth President Dante Gierran

Hihikayatin aniya ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president Dante Gierran ang company board na aprubahan ang proposed extension ng dialysis coverage ng mga pasyente nang lagpas sa 90-session limit bawat taon, ayon sa Malacañang noong Martes.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iminungkahi ni Gierran ang pagpaparami ng dialysis sessions sa tatlong beses kada linggo, o tinatayang nasa 144 sessions bawat taon mula sa kasaluluyang 90 sessions.

Ang nasabing proposal ay ipepresenta ni Gierran sa gaganaping board meeting sa Miyerkules.

Aniya,  “Unang-una, kukuha po siya ng board approval para po maparami pa iyong dialysis more than 90. Ang kaniyang magiging suggestions sa board po at ito po ay bukas nilang pagmimitingan ay three times a week, times four weeks a month, times 12.”

“So more or less po, ang maibibigay na libreng dialysis kung aaprubahan po ng board ay 133 per year,” dagdag pa nito.

Bukod sa karagdagang dialysis sessions, ibinunyag din ni Roque ang mga plano ng pamahalan tungkol sa pagbibigay ng financial assistance para sa mga nangangailangang pasyente.

Kinausap umano ni Gierran ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tungkol sa distribusyon ng P10,000 para sa mga dialysis patients.

“Sana po malinaw na ngayon kung ano ang mangyayari doon sa ating libreng dialysis habang tayo po ay nasa panahon ng pandemya,” paglilinaw ni Roque.

Unang pinuna naman ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate ang PhilHealth para sa umano’y pagtalikod nito sa pangakong papalawigin ang 90-session limit ng dialysis patients kahit bago pa man magwakas ang Bayanihan 2. 

Nabahala ang kongresista na nailalagay sa peligro ang buhay ng mga pasyente dahil sa umiiral na palisiya ng PhilHealth.

Tinawag naman ng isang public health advocacy group noon ang atensyon ng pamahalaan alinsunod sa mga naiuulat na ilang mga miyembro ng PhilHealth ang tinanggihan ng dialysis treatment matapos nitong maabot ang annual limit.

Ayon kay Zarate, nauna umanong sinabi ng PhilHealth na exempted ang dialysis patients sa 45-day limit o ang 90-session limit bawat taon sa ilalim ng Bayanihan 2. 

“But in reality though, towards the end of any year, most dialysis patients are well past the 90 sessions allotted to them by PhilHealth, and must pay out-of-pocket for remaining sessions,”paliwanag ng Bayan Muna representative.

LATEST

LATEST

TRENDING