Duterte, inaming hindi magiging madali ang pagkuha ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang agarang access ng mga Pilipino sa Covid-19 vaccine ay hindi magiging madali sapagkat bibigyang prayoridad umano ng mga bansang gumagawa ng bakuna kontra Covid-19 ang kanilang mga tao.

“Kung sino ang country na nakapag-imbento, malamang unahin niya ang mga tao niya. That’s the reality,” ani Duterte noong Martes.

Gayunpaman, sinabi ng pangulo na tutuparin pa rin niya ang kanyang pangako na pabakunahan ang lahat ng Pilipino, habang binibigyang prayoridad ang mga mahihirap.

Subalit, sinabi nitong hindi ito magiging “viable” sa “unang mga buwan ng availability ng bakuna hanggang sa susunod na taon”.

“Hindi sa ayaw nating bumili. Wala pa tayong mabili kasi sabi ko, ang vaccine sa America, binili na kaagad. I think the federal government has made the first installment,” paliwanag ni Duterte.

Binigyang diin din ng pangulo na ang mga bansang mayroong Covid-19 vaccine manufacturers ay kadalasang may malaking populasyong dapat tugunan.

“So tatapusin muna ‘yan nila bago ‘yan sila magbigay sa iba,” wika ni Duterte.

Kamaikalan ay iniulat ng American pharmaceutical company na Pfizer na ang dini-develop nitong bakuna kontra Covid-19 kasama ang German partner na BioNTech, ay mahigit 90% effective batay sa una nitong analysis.

Nagbabala naman ang grupong Amnesty International tungkol sa pakikipagkoordinasyon ng dalawang kumpanya sa mga mayayamang bansa. Dahil dito, maliit lamang aniya ang posibleng maging suplay ng bakuna sa ibang mga bansa, lalo na para sa mga mahihirap.

Samnatala, kumpiyansa naman si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez na magkakaroon ng magandang kasunduan ang bansa sa Pfizer, dahil sa pagiging malapit na kaalyado ng Pilipinas sa U.S.

LATEST

LATEST

TRENDING