Duque, pinaalalahanan ang publiko na huwag makampante kahit bumababa na ang bagong Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Secretary Francisco Duque III

Pinaalalahanan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Martes ang taumbayan na huwag makampante bagama’t nag-umpisa nang bumaba ang bilang ng mga panibagong Covid-19 cases.

Ayon sa kalihim, kahit naoobserbahan ng Department of Health (DOH) ang downward trend sa bilang ng mga painbagong kaso, nananatili pa rin ang banta ng coronavirus, tulad ng nangyaring ikalawang outbreak sa Europa.

“This downward trend is certainly a welcome development. But cases may again rise if we are not careful. We hope that we won’t suffer the same fate [as Europe],” giit ni Duque.

Noong Martes, nakapagtala ang DOH ng 1,347 additional infections, para sa kabuuang bilang na 399,749 Covid-19 cases sa buong bansa.

Naitala sa Cavite ang pinakamaraming bagong impeksyon na 92, kasunod ang Manila (77), Quezon City (58), Baguio City (55) at Laguna (52).

Sa unang 10 araw ng buwan, tumaas ang mga bagong kaso nang 19,143, mas mababa kumpara sa pag-uumpisa ng Oktubre kung kailan umakyat ito nang 25,707.

Ayon kay Duque, ang dahilan sa pagbaba ng mga kaso ay bunsod ng mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan, local responses ng mga barangay, pati na rin ang pagsunod ng publiko sa minimum health standards, tulad ng pagsusuot ng face masks, hand-washing at physical distancing.

“Let us not waste this triumph. Let us not be complacent. Let us not [let] our guard down,” diin ni Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING