Sinas, itinalaga bilang bagong PNP Chief

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas

Itinalaga bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) si Metro Manila police chief Major General Debold Sinas, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes.

In-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na opisyal bilang ika-25 na police chief ng 200,000 na hanay ng kapulisan.

Papalitan ni Sinas si Gen. Camilo Cascolan na tutungtong sa mandatory retirement age sa Martes matapos maglingkod bilang PNP chief nang mahigit isang buwan lamang.

Aakyat naman si Sinas sa bago nitong puwesto sa Martes.

Pinaulanan ng pambabatikos si Sinas matapos magdaos ng kanyang birthday party o “mañanita” habang nasa kalagitnaan ng pinakamahigpit na quarantine protocols bunsod ng Covid-19 pandemic. Umalingawngaw ang panawagan na magbitiw ito sa puwesto noong Mayo dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Siya at ang kanyang mga nasasakupan ay sinampahan ng reklamo dahil sa pagdaraos ng nasabing party. Bukod dito, pinaiimbestigahan din si Sinas para sa umano’y pagbabanta nito sa isang pamilya ng retired na pulis na pinaaalis sa tinitirhan nito sa camp grounds noong Hulyo.

Si Sinas ay unang naging direktor ng regional police office ng Central Visayas sa Cebu City mula Hulyo 2018 hanggang Enero ngayong taon, kung kailan siya ay in-appoint bilang pinuno ng National Capital Region Police Office.

Tutungtong naman ito sa mandatory retirement sa Mayo 2021, sa edad na 56.

LATEST

LATEST

TRENDING