Senado, tinaasan ang 2021 health sector budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate Finance Committee chair Sonny Angara

Inanunsyo ni Senate Finance Committee chair Sen. Sonny Angara na dinagdagan aniya ng Senado ang badyet ng health sector para sa 2021 nang 20-30 percent.

Sa kanyang sponsorship speech noong Martes, sinabi ni Angara na ang susi sa pagbangon ng bansa ay nakadepende sa kung paano ito magreresponde sa Covid-19 pandemic.

“Government must lead and exude the confidence that the Philippines can recover and bounce back,” ani Angara.

Dagdag pa nito, “That’s where this budget is perhaps most critical—as a well-spring of trust, confidence and hope, in the midst of worldwide uncertainty.”

Naglaaan ng karagdagang ₱10 bilyong unprogrammed funds ang Senado para sa Covid-19 vaccine sa 2021.

“Unprogrammed appropriations means it will be funded if the collections from non-tax revenues exceed the targets,” wika ni Angara.

Dagdag pa ng senador, “Historically, naeexceed naman iyong non-tax targets.”

Binanggit ni Angara na naglaan na ang Kamara ng ₱5.5 bilyong additional budget para sa Covid-19 vaccine, bukod pa sa orihinal na ₱2.5 bilyon sa National Expenditure Program.

Dahil dito, ang kabuuang badyet para sa COVID-19 vaccine ay nasa ₱18 bilyon na.

Nang tanungin naman ito kung paano magbebenepisyo ang mga Pilipino rito, sinabi na Angara na idedetermina pa ito,

Aniya, “The pricing of the vaccine depends on the manufacturer. We don’t know the dosage din, ilan ang magiging dosage sa bawat tao. Sabi nila one or two at the very least.”

Samantala, aabot naman sa ₱16.6 bilyon ang inilaan sa Department of Health para sa hiring at payment ng sahod at benepisyo ng mas maraming medical frontliners. ₱2.7 bilyon din ang gagamitin para sa pagbili ng personal protective equipment para sa frontliners.

“[T]he brave men and women who are constantly called to risk their lives to treat the sick including those stricken with COVID-19 and prevent any more unnecessary deaths. Hopefully, with these outlays, none of our frontliners will have to needlessly endanger their lives to save others,” giit ni senador.

Bagama’t nababalot ng kontrobersya, naglaan ang Senado ng ₱71.4 bilyon para sa PhilHealth.

“Ngunit, mananatiling mapagmatyag ang Senado sa PhilHealth para masigurado na tunay na napupunta ang pondo ng bayan para sa kalusugan ng bayan,” paglilinaw ni Angara.

Dagdag pa nito, “Patuloy ring magkakaroon ng assistance to indigent patients bilang tulong pinansyal sa mga mahihirap na pasyente sa iba’t-ibang DOH-run at LGU-owned hospitals.”

Binanggit din ni Angara na si Department of Social Welfare and Development Budget Sponsor Sen. Imee Marcos ay nagpaplanong mag-propose ng amendment upang maglaan ng pondo para sa Social Amelioration Program sa susunod na taon.

“[Regarding] the Social Amelioration Program, a lot of senators have been calling for that. [Si Sen. Imee Maros] Mayroon siyang magandang proposal to include SAP within the DSWD budget. I think we’ll adopt her proposal,” ani Angara.

Isa pa umanong prayoridad ay ang disaster response.

Tinaasan ng Senado ang pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan umakyat ito sa ₱27.25 bilyon mula sa ₱22.8 bilyon badyet ngayong taon.

“The new normal is not just COVID, but also climate change. Both of these phenomena— the COVID-19 phenomenon of 2020 and the climate change phenomenon, which has been with us for the last decade are cross-cutting issues. Meaning, ‘di limitado lang sa isang departamento pero they cut across various departments,” diin ni Angara.

Dagdag pa nito, “Very important hindi lang funding, kundi pati integrated action.”

Sinabi rin ni Angara na makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon ang sektor ng edukasyon. Ang mga guro at mag-aaral aniya ay kabilang sa mga pinakanaperwisyo ng pandemiya.

Itataas umano ang cash allowances ng tinatayang nasa 910,000 guro mula ₱3,500 patungo sa ₱5,000 bawat taon. Makatatanngap din ang public school teachers ng additional token na ₱1,000 bilang paggunita sa World Teacher’s Day sa susunod na taon.

Para tiyaking magkakaroon ng mas maraming trabaho, iginiit ni Angara na dapat ibalik nang buo ang construction projects ng Department of Public Works and Highways lalo na ang mga kahabagi ng Build, Build, Build Program ng Duterte Administration.

Kabilang sa mga ito ay ang Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project, Davao City Coastal Road Project, at Panglao Tagbilaran City Offshore Connector Bridge.

“[W]ith the end-view of generating up to 1.1 million direct and indirect jobs for Filipinos throughout the country, of course, these construction activities will resume with the proper social distancing and safety protocols in place,” ani Angara.

Binanggit naman ni Angara na hindi ginalaw ng Senado ang ₱19 bilyong pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, bagama’t naharap sa opisyon mula sa ilang senador.

Layunin ng nasabing badyet na tulungan ang mga liblib na barangay na umunlad para mag-udyok sa mga rebelde isuko na ang kanilang armas para sa kagamitan sa pagsasaka.

 “Hindi naming ginalaw ‘yung NTF-ELCAC because that is one of the flagship programs of the administration and the DBM told us na if possible, ‘wag natin galawin because the president is very adamant na we solve the underlying problem of insurgency.” paglilinaw ni Angara.

LATEST

LATEST