Netizens, na-inspire sa eleksyon ng US, hinikayat ang mga Pinoy na bumoto sa #Halalan2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
US Vice President-elect Kamala Harris at President-elect Joe Biden
(AP Photo/Andrew Harnik, Pool)

Na-inspire ang mga netizens mula sa katatapos lamang na 2020 US presidential election dahil sa mataas nitong voter turnout, at nanawagan sa mga Pilipino na magparehistro at bumoto sa darating na 2022 elections.

Noong Linggo, parehong araw ng pagkapanalo nina US President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris, naging top trending hashtag naman sa Twitter ang #Halalan2022.

Nanawagan ang mga netizens sa mga Pilipino, kabilang ang rights advocates at celebrities, na magparehistro at tiyakin ang kanilang partisipasyon sa halalan, dahil may “pag-asa” pa umanong magluklok ng mga mas matitinong lider na susunod sa administrasyong Duterte.

“America just toppled the dictatorship of Donald Trump. Pilipinas, kaya rin natin ‘to (we can do this)! Register to vote,” giit ng human rights activist na si Francis Baraan.

“Surveys aren’t always accurate. Philippines, may pag-asa pa. Register to vote! 2022 is near,” wika naman ng content creator na si Macoy Dubs.

Nagpahayag din ng parehong pananaw ang bandang Ben&Ben at aktres na si Janine Gutierrez.

Samantala, idiniin naman ng ilang netizens ang pagabalik ng mga magagandang karakter para sa susunod na pangulo.

“Pilipinas, we can make things better in #Halalan2022. We really need to bring back decency and statesmanship back in government,” ayon kay @willow2469.

“Character matters. Decency matters. Because good thoughts and words precede good action,” ani @dianabulatao_. “May this be our lesson to uphold our moral values in voting the next leaders in #Halalan2022.”

Sa kanyang victory speech, ipinahayag ni Biden na nakakuha siya ng mahigit 74 million votes, “ang pinakamaraming boto para sa presidential ticket sa buong kasaysayan ng bansa.”

Ayon sa US media organizations, hindi bababa sa 159 milyong botante ang nakiisa sa 2020 US elections, mas mataas kumpara sa 136 milyong total ballots noong 2016 presidential elections.

Iniulat naman ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit 54 milyong Pilipino ang bumoto noong  halalan 2016. Umaasa itong tataas pa sa 62 milyong botante ang boboto sa darating na 2022 elections.

Maaari pang magparehistro hanggang Setyembre 30, 2021.

Ang filing ng applications para sa voter registration ay maaaring gawin Lunes hanggang Biyernes, kabilang ang holidays, mula 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m., sa office of the election officer ng Comelec.

Mada-download ang application forms sa website ng Comelec.

LATEST

LATEST

TRENDING