Malacañang sa ekonomiya ng bansa: ‘The worst is over’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesman Harry Roque

Idineklara ng Malacañang noong Martes na “the worst is over” habang nag-uumpisa nang bumangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, ang paghihingalo ng ekonomiya ay gumagaan na matapos maitala ang 11.5 percent contraction ng gross domestic product (GDP) sa ikatlong quarter ngayong taon, mula sa dating 16.9 percent noong nagdaang quarter.

Aniya, “Siyempre po ‘yan ay malungkot pa ring balita pero ‘yan ay improvement doon sa 16.5 sa pagbaba ng ekonomiya noong second quarter.”

“So nagre-recover na po ang ating ekonomiya from an all-time low of 16.9 I stand corrected,  16.9 pala ang contraction ng ating ekonomiya, ngayon po naging negative 11.5 so bahagyang umangat na po ang ating ekonomiya. Nagpapatunay po na the worst is over,” dagdag pa ni Roque.

Nagpatuloy sa pagliit ang GDP ng bansa noong Hulyo hanggang Setyembre bagama’t sa mabagal na pag-usad, bunsod ng pagpapagaan sa quarantine protocols.

Iniulat naman ng Philippine Statistics Authority na ang construction, real estate, at manufacturing ang nagbigay ng pinakamaliit na kontribusyon sa GDP.

Samantala, ang financial at insurance activities, public administration at defense, compulsory social activities, pati na rin ang agrikultura, forestry at fishing, ay nakapagtala naman ng positibong resulta.

Inamin ni Roque na naapektuhan ang ekonomiya ng matapos ipatupad ang mahigpit na lockdowns upang sugpuin ang paglaganap ng pandemiya.

Dagdag pa nito, bagama’t nananatili pa rin ang banta ng Covid-19, mas handa na umano ang bansa para tugunan ito.

“Kinakailangan na talagang buksan ang ekonomiya pero kailangan ng mask, hugas, iwas,” pagbibigay diin nito.

LATEST

LATEST

TRENDING