Vico Sotto sa mga iskolar: Huwag tumanaw ng utang na loob para sa edukasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pasig City Mayor Vico Sotto
Kuha ni: Lisa Marie David (Rappler)

Pinaalalahanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga iskolar ng lungsod nitong weekend na wala silang utang na loob kahit kanino, kabilang ang mga pulitiko, hinggil sa sabsidiya para sa kanilang edukasyon.

“Laging tandaan na wala kayong utang na loob kahit kanino (lalo na sa politiko) dahil pera ito ng taumbayan,” ani Sotto sa isang tweet noong Sabado, matapos maging panauhin sa isang online assembly kasama ang Pasig City scholars.

“Mag-aral lang kayo nang mabuti, sulit na ang investment ng Pasig sa inyo,” dagdag pa ng alkalde.

Pinuri ng mga netizens ang naging pahayag ni Sotto, at idiniing dapat magkaroon ng parehong kaisipan ang mga kawani ng pamahalaan upang matuldukan na ang kultura ng “entitlement” sa mga politiko.

Kasalukuyang may 18,200 na iskolar ang Pasig, kung saan hindi bababa sa 50 ang nasa larangan ng arts and design, wika ni Sotto.

LATEST

LATEST