Paghinto ng Red Cross sa Covid-19 testing, pansalamantalang nakaapekto sa testing capacity ng PH: DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Pansamantalang naapektuhan ang testing capacity ng bansa para sa coronavirus disease (COVID-19) nang suspendehin ng Philippine Red Cross ang testing para sa repatriated overseas Filipino (OFWs) dahil sa hindi pagbabayad ng utang ng PhilHealth sa organisasyon, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa isang public press briefing, sinabi ni Vergeire na 20 percent ang kontribusyon ng PRC sa kabuuang testing capacity ng bansa.

Aniya, “‘Pag tiningnan natin ang datos, ang PRC has contributed almost 20 percent of the testing capacity in the country dahil marami silang laboratoryo so noong tumigil ang pagproseso ng specimen from the Philippine Red Cross on our OFWs, nagkaroon ito ng epekto sa ating kapasidad na makapag-test.”

Nire-require ang negatibong COVID-19 test result para sa OFWs upang mapahintulutang makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan pagkatapos dumating ng mga ito sa Manila.

Noong Oktubre, sinuspinde ng Philippine Red Cross ang COVID-19 testing para sa mga OFWs matapos lumubo ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa P1 bilyon para sa mga nasabing tests.

Nagbayad naman ng P500 milyon bilang partial payment ang PhilHealth noong Oktubre 27, na sinundan ng P100 milyon noong Huwebes. Ibinalik na kamaikailan ng Red Cross ang pagkuha nito ng specimen.

Naibalik na ng DOH ang normal testing capacity nang ni-re-zone nito ang tinatayang nasa 22,000 na specimen sa iba’t-ibang mga ospital, dagdag pa ni Vergeire.

“Pagkatapos ng ilang araw nung nagkaroon tayo ng rezoning kung saan dinala natin sa mga ospital ang specimen ng almost 22,000 OFWs naibalik natin sa dating kapasidad ng ating laboratoryo,” paliwanag nito.

LATEST

LATEST

TRENDING