Mas mataas na calamity budget para sa 2021, ipinananawagan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinanawagan ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagtaas sa calamity funds sa proposed P4.506-trilyong national budget para sa 2021, matapos ang paghagupit ng mga bagyo kamaikailan sa Southern Luzon.

Hinikayat nito ang liderato ng Kamara at Senado na i-realign ang pondo mula sa mga less urgent na mga programa sa bicameral conference committee meeting tungkol sa General Appropriations Bill (GAB) na may “eye to augmenting calamity funds for the hardest hit areas of Super Typhoon Rolly, which is regarded as the strongest land-falling tropical depression ever to hit the Philippines.”

“I am appealing to my fellow lawmakers to look into possibly realigning for calamity funds a portion of proposed GAB allocations for programs and projects other than those intended for COVID-19 response given the great damage wrought by super typhoon Rolly on infrastructure, agriculture and business in CamSur and other provinces in Bicol and Southern Luzon,” ani Villafuerte, na representatnte ng lalawigan na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon sa kongresista, ang mga local government units (LGUs) na malubhang tinamaan ng bagyo ay posibleng mangailangan ng calamity funds ngayon pa lamang sapagkat maaaring paubos na ang pondo para sa nasabing gastusin bunsod ng pandemic-related initiatives sa kani-kanilang mga lokalidad.

Ibinahagi ni Villafuerte bilang halimbawa ang kanyang lalawigan, at sinabing kinakailangan nito ang “lahat ng ayuda at tulong na matatanggap mula sa pamahalaan at pribadong sektor habang bumabangon pa ito sa pinsalang hatid ng Bagyong Rolly at Quinta, na tumama noong nakaraang weekend, at ang Covid-19 pandemic.”

Sinabi rin nitonng nagpasa ng Resolution No. 235 ang Sangguniang Panlalawigan na nagdeklara ng isang state of calamity upang mapahintulutan ang provincial LGU na gamitin ang available public funds para sa relief at iba pang assistance para sa mga naging biktima ng bagyo.

Bagama’t iniulat na pinakamatinding napinsala ng bagyo ang Albay at Catanduanes, iginiit ni Villafuerte na ang CamSur ang pinakamalalang naapektuhan dahil binayo umano ito ng bagyo nang walang humpay sa loob ng 13 oras, taglay ang hanging aabot sa 225 kilometers per hour at gustiness na aabot sa 310 kph.

Ayon sa preliminary damage report na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) secretariat, naapektuhan ni Rolly ang 251,000 pamilya, 24,458 magsasaka at 34,350 mangingisda sa 1,036 barangays ng lalawigan.

Winasak din nito ang P752 milyong halaga ng mga pananim, at P1.9 bilyong pagkasira sa imprastraktura tulad ng kalsada, tulay, dams, irrigation systems, school buildings at government facilities.

“The executive and legislative branches need to work together in getting the cyclone-battered provinces back on their feet at the soonest time possible, as the absence of such a recovery plan would be a drag on the national government’s efforts for the domestic economy to bounce back from the fallout of the coronavirus-induced global health and economic crises,” dagdag pa ni Villafuerte.

Kinilala naman ng mambabatas ang mga ulat na iminumungkahi ng Senate finance committee, sa pangunguna ni Sen. Sonny Angara, na taasan ang proposed calamity funds para sa 2021.

“We are currently studying the possibility of supplementing the calamity funds for 2021. We are looking for fund sources for realignment at the moment,” wika ni Angara.

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nakatakdang muling magbukas sa Nobyembre 16.

Subalit, nangako ang Senado na uumpisahan nito ang sesyon nang mas maaga o sa Nobyembre 9 upang masimulan na ng mga senador ang talakayan sa GAB na isinumite ng Kamara.

LATEST

LATEST