Mahigit 3M Pinoy, nairehistro na sa Nat’l ID System

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Biyernes na tinatayang nasa 3,315,000 low-income Filipinos ang nakakumpleto na sa unang hakbang ng registration para sa Philippine identification system (PhilSys).

“Given the current count and the pace of our operations, we are confident that we will hit our nine-million-target for Step 1 Registration, before the year ends,” pahayag ni National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa.

Samantala, sinabi naman ni Assistant Secretary Rosalinda Bautista na nagbagal sa kanilang ground operations ang field personnel ng PSA para sa PhilSys o national ID system, dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Subalit, iginiit ni Bautista na nasa oras pa rin ang PhilSys registration process.

Aniya, “The high productivity recorded during the first three weeks compensated for the reduced registrations during the typhoon.”

Batay sa datos noong Nobyembre 4, naabot na ng PSA ang 120 percent na target para sa step ng PhilSys registration.

Kabilang sa unang step ng registration ay ang koleksyon ng impormasyon ng registrant, tulad ng buong pangalana, kasarian, petsa, lugar ng kapanganakan, blood type, at address.

Susundan naman ito ng appointment para sa biometrics capture na kinabibilangan ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph.

Ayon sa PSA, ang registration ay magtatagal lamang ng limang minuto bawat indibidwal kung saan ang isang enumerator ay maaaring makapag-record ng 46 registrations sa bawat araw.

Binigyang diin ng PSA na ang registration team, kabilang ang mga enumerators at iba pang pre-registration staff, ay mariing susunod sa health and safety protocols sa kabuuan ng registration process, bilang proteksyon kontra Covid-19.

Unang sinabi ni Bautista na ang ikatlong step sa registration ay ang issuance ng physical ID card na may 12-digit PhilSys number o personal serial number (PSN) at 16-digit PhilSys card number (PCN).

Layunin ng ahensya na mairehistro ang mayorya ng mga Pilipino sa dulo ng 2022.

Nag-umpisa ng mangolekta ng demographic data ang PSA mula sa mga targeted low-income Filipinos sa 664 lungsod at munisipalidad sa 32 lalawigan na tinukoy bilang “low-risk” areas para sa coronavirus outbreak, kabilang ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental, at Tawi-Tawi.

Ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ay layong magtatag ng isang single national ID para sa lahat ng Pilipino at mga residenteng dayuhan.

Ang national ID ay magsisilbing valid proof of identity na makatutulong sa pagpapabilis ng pampubliko at pribadong transaksyon, enrolment sa mga paaralan, at pagbubukas ng bank accounts.

Papaigtingin din nito ang pagiging episyente ng government services, kung saan ito na lang ang ID na ipepresenta.

LATEST

LATEST

TRENDING