Albay governor, sinuspinde ang quarry operations sa ilang lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Albay Governor Al Francis Bichara

Pansamantalang ipinahinto ang quarry operations sa piling mga barangay na matatagpuan sa paanan ng Bulkang Mayon habang pending ang isang hazard assessment matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly.

Inilabas ni Albay Governor Al Francis Bichara ang Executive Order 35 hinggil sa nasabing suspension alinsunod sa apela ng residente ng Mabinit, Bonga, Matanag, Buyuan, at Padang sa Legazpi City. Nangangamba ang mga ito na ang pagpapatuloy ng quarrying ay makapagdudulot ng banta sa kanilang buhay.

Ang executive order ay naging epektibo noong Sabado. Wala naman itong end date.

Ang lalawigan ng Albay ay nakapagbigay ng mahigit 200 permits sa quarry operators na malapit sa Mayon.

Ayon naman kay Board Member Dante Arandia, chairman ng Sangguniang Panlalawigan committee on environment and natural resources, ang bawat operator ay mayroong tatlo hanggang limang hektarya ng quarry area.

LATEST

LATEST

TRENDING