Duterte, pinasalamatan ang PNP at AFP sa pagpasok ng PH sa Top 50 safest countries

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis at militar dahil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan na nakatulong umano sa pagpapabilang ng bansa sa world’s safest list.

Inamin ng pangulo na nagulat siya nang mapabilang ang Pilipinas sa Top 50 safest countries sa buong mundo ayon sa international analytics firm na Gallup.

Pareho ang score ng bansa sa “ideally peaceful” na mga bansa tulad ng Australia, New Zealand, Poland, at Serbia.

“We have to credit the police and the military and other uniformed services of the government who toiled to make this country at least very peaceful,” ani Duterte noong Huwebes.

Ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año, ang pag-landing ng bansa sa nasabing listahan ay patunay na naging matagumpay ang mga isinagawang hakbang ng pamahalaan kontra iligal na droga at kriminalidad.

“It shows the people appreciate and recognize the efforts of the Philippine National Police and other law enforcement (agencies),” wika ni Año.

Sa 2020 Global Law and Order Report ng Gallup, ika-12 ang Pilipinas 144 na mga bansang sinurvey noong 2019.

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 84, kung saan kapantay ito ng  Australia, New Zealand, Poland, at Serbia. Mas mataas din ito sa 82 index score para sa buong mundo noong 2019.

Nanguna ang Singapore sa survey ng Gallup na may 97 global index score. Kasama rin sa Top 50 list ang mga karatig-bansa sa Southeast Asia na Indonesia (89), Vietnam (86), Malaysia (83), at Myanmar (82) also made it to the Top 50 list.

LATEST

LATEST

TRENDING