Duterte at Robredo, binati si US President-elect Joe Biden

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
US President-elect Joe Biden
Kuha ni: Carolyn Kaster (AP)

Parehong binati nina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo si US President-elect Joe Biden sa kanyang tagumpay sa pagkapangulo ng Amerika.

Nangangako ang Pilipinas sa “mas lalong pagpapaigtingin” ang relasyon nito sa Estados Unidos sa ilalim ng administrasyong Biden, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “We look forward to working closely with the new administration of President-elect Biden anchored on mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democracy, freedom and the rule of law,” he said. 

“Congratulations and we wish him all the best,” dagdag pa nito.

Kinongratulate naman ni Robredo si Biden at ang kanyang running mate na si Kamala Harris, ang kauna-unahang babae at African American vice president.

“Your victory is an affirmation of the shared ideals on which the long friendship between our two nations stand: democracy, civil rights, faith, and inclusivity. I pray for your success!” wika ni Robredo sa isang tweet.

Hinikayat ni Biden ang pagkakaisa sa kanyang unang national address simula nang manalo ito sa halalan laban kay Pangulong Donald Trump. Pinuri naman ni Harris ang record turnout ng tinatayang nasa 160 milyong katao sa eleksyon.

Ang Washington ang pinakamatanda at tanging treaty ally ng Manila. Ang pag-uumpisa ng alyansa ng dalawang bansa ay nagsimula noong naging kolonya ng US ang Pilipinas hanggang sa lumaya ito noong 1946.

LATEST

LATEST

TRENDING