Durterte, pinangalanan sa publiko ang mga sinibak na Customs officials

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harapan ng publiko ang mga opisyal at personnel ng Bureau of Customs (BOC) na ipinasibak ng Office of the Ombudsman dahil sa ilang mga kaso tulad ng gross neglect of duty at grave misconduct.

“Now allow me a few minutes to do what I have promised to the people, that every meeting… that I will read the persons who are now, under quasi-judicial scrutiny,” ani Duterte noong Huwebes.

Ilan sa mga pinangalan ay pinatalsik noong 2019 kabilang sina Customs deputy collector Ramon Hernandez, operation officers Lomonto Macabando at Vicente Gamboa, police assistant chief Jaybee Raul Cometa, at security guard Renly Tiñana.

Binanggit din ng pangulo si Zamboanga City district collector Lyceo Martinez at Customs police district commander Filomeno Salazar, na sinibak matapos mawala ang 23,015 na sako ng smuggled rice sa Zamboanga City noong 2018.

Ang iba pang Customs personnel na pinangalanan ay sina Vicente Torres, Gil Gamil, Agnes Fabian, Allan Pagkalinawan, at Aristotle Tumala.

Isa ang BOC sa mga prayoridad na ahensyang pinaiimbestigahan ng isang multi-agency task force kontra kurapsyon na pinangungunahan ng Department of Justice (DOJ).

Bagama’t kinilala ng pangulo ang talamak na kurapsyon sa loob ng bureau, iginiit naman nito noong Lunes na hindi sangkot sa kahit anumang amomalya sa ahensya si Customs chief Reynaldo Guerrero.

Sinabi rin nitong pinatanggal din ni Guerrero ang ilang tiwaling mga kawani ng ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING