Best-case scenario para sa Covid-19 vaccine rollout ay sa Mayo-Hulyo 2021: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang pinakamaagang posibleng rollout ng Covid-19 vaccine sa bansa ay sa Mayo hanggang Hulyo ng susunod na taon, ayon sa isang opisyal ng Gabinete noong Sabado.

“Tinitingnan natin kung magkakaroon tayo ng best-case scenario. By May or July we will have the vaccine rollout in the Philippines,” paglilinaw ni vaccine czar at pandemic response Chief Implementer Carlito Galvez, Jr.

Dagdag pa nito, “Talagang ine-ensure na safe, effective, and cost-efficient ang ating bibilhin na vaccines.”

Sa buong mundo, iba’t-ibang timelines ang itinakda kung kailan magiging available ang bakuna laban sa nakamamatay na sakit. Binanggit ni Galvez na posibleng magtagal nang hanggang tatlong taon para mabakunahan ang 70 percent ng populasyon, alinsunod sa unang naging pahayag ng World Health Organization (WHO).

“In order for us to have an effective herd immunity kailangan natin ma-vaccinate is 75 million. Realistically, we can do that in two to three years. Tama po ‘yung WHO… ‘yung effective rollout is more or less by the end of 2021 or by the start of 2022,” wika ni Galvez.

Ilang sektor ang bibigyang prayoridad para sa libreng bakuna tulad ng medical frontliners, barangay health workers, at iba pang allied healthcare workers; personnel mula sa Departments of Education and Social Welfare, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Customs; at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na exposed sa virus bunsod ng kanilang trabaho.

Bibigyan din ng prayoridad ang mga senior citizens, indigents, at mga bulnerableng indibidwal.

Ayon kay Galvez, siyam na medical experts ang kasama niya sa kanyang team. Ito ay sina Usec. Rosemarie Vergeire at Usec. Myrna Cabotaje mula sa Health Department, at Dr. Jaime Montoya at Dr. Nina Gloriani mula sa Science and Technology Department.

Sila ay nakatakdang magpresenta ng listahan ng probable vaccines kay Galvez sa Linggo, na sinundan ng mga negosasyon kasama ang ilang vaccine companies at foreign governments.

LATEST

LATEST

TRENDING