Roque, dinipensahan si PRRD matapos sabihing ‘mukhang pera’ ang Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Dapat umanong makapagsalita nang malaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa kung anuman ang kanyang gustong ipahayag, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes.

Ito ay matapos punain ng Philippine Red Cross (PRC) si Duterte dahil sa mga akusasyon nito na “mukhang pera” ang organisasyon.

Sinabi ng pangulo noong Huwebes na “mukhang pera” ang PRC matapos ianunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na ibinalik na ng organisasyon ang Covid-19 swab testing nito matapos mabayaran ng pamahalaan ang kalahati ng utang nito sa PRC.

Ayon naman kay PRC chairman Sen. Richard Gordon, dapat maging “maingat” ang pangulo dahil ang kanyang binitawang komento ay “not really presidential.” 

“Let’s allow na lang the President to say what he wants to say, and let that remain on record,” diin naman ni Roque.

Dagdag pa nito, “Bahala na po ang PRC to construe what the President said.”

Sa ilalim ng isang binuong kasunduan, maniningil ang PRC ng P3,500 para sa swabbing ng frontliners at iba pang ahensyang inendorso ng PhilHealth, na magbabayad para sa Covid-19 testing.

Noong Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth para sa kabuuang P1.1 bilyong utang nito sa Red Cross. Muli itong nagbayad ng P100 milyon noong Huwebes.

Ayon kay Gordon, may natitira pang P377 milyong utang ang PhilHealth.

LATEST

LATEST

TRENDING