Duterte, suportado ang SOGIE bill at same-sex civil union: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ng Malacañang noong Huwebes na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang layong tiyakin ang pantay na karapatan para sa lahat anuman ang sexual orientation ng bawat isa, habang muling naging mainit ang debate ng SOGIE Equality Bill online.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na patuloy na sinusuportahan ni Duterte ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill at civil union ng same-sex couples.

Aniya, “Itong SOGIE bill naman ay itinataguyod din ang karapatan na maging pantay-pantay ang lahat ng Pilipino, suportado rin iyan ng Presidente.”

“Sang-ayon po siya sa na magkaroon ng batas na iiral doon sa relasyon ng kaparehong kasarian,” dagdag pa nito.

Binigyang diin naman ni Roque na tutol pa rin ang pangulo sa same-sex marriages, sa simbahan man o civil wedding. Ang civil union ay layong magbigay ng kaparahong ligal na karapatan para sa same-sex couples nang hindi kinakasal. Ito ang kompromiso para sa LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex and asexual) community dito sa bansa kung saan naghahari ang Katolisismo.

Bagama’t nagpahayag si Duterte ng pagsuporta, hindi pa rin umano ito manghihimasok sa mga usapin ng Kongreso, giit ni Roque.

Ang pro- at anti-SOGIE bill na hashtags ay nag-trending online matapos ipagpatuloy ng House Committee on Women and Gender Equality ang deliberasyon nito tungkol sa kontrobersyal na panukala noong Miyerkules.

Samantala, isang resource person naman mula sa Coalition of Concerned Families of the Philippines, ang abogadong si Lyndon Caña, ang nagbitiw ng maling paratang nang sabihing ang LGBTQIA+ community aniya ay nagiging isang “super special, elite class” kumpara sa iba pang mga mamamayan.

Hindi naman ikinatuwa ni Bataan Rep. Geraldine Roman, na kauna-unahang transgender woman na kongresista sa bansa, nang sabihin ni Caña na ang necrophelia at pedophilia ay agarang mapoprotektahan sa nasabing bill dahil sa kawalan ng malinaw na hangganan hinggil sa “plus sign” na kabilang sa termino.

LATEST

LATEST

TRENDING