5 anti-corruption bills, layong ipasa ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi bababa sa limang anti-corruption bills mula sa Kamara ang inendorso para sa agarang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa kanyang kampanya sa pagsugpo ng katiwalian sa bansa.

Sinabi ni Majority Leader Martin Romualdez noong Huwebes na nagtukoy sila ng limang panukalang batas at ang mga ito ay isinumite na kay House Speaker Lord Allan Velasco para sa kanyang konsiderasyon bilang prayoridad, habang hindi pa nagtatapos ang taon.

“Prioritizing the passage of these proposed laws can help boost President Rodrigo Duterte’s renewed efforts to curb graft and corruption in the government. We hope that we can gear towards the passage of these bills before this year ends, or early next year,” ani Romualdez, chairman ng House Committee on Rules.

Inihain ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero noong Agosto ang House Bill 7230, na layong i-augment ang financial resources ng Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng pagbibigay ng 30 percent share sa anumang property na nakamkam ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 139 o Forfeiture Law.

Layon ng nasabing panukala na tiyakin ang pondo para sa Office of the Ombudsman, na may mandatong labanan ang kurapsyon, nang hindi naglilipat ng badyet mula sa national badyet.

Plano ring i-endorso ang HB 581 at 6003 na layong i-require ang inclusion ng anti-corruption and governance education sa basic education at higher education curriculum. Ito ay inihain nina CIBAC party-list Reps. Eduardo Villanueva at Domingo Rivera.

Inihain din ng mga ito ang HB 579 na layong itatag ang National Independent Commission Against Corruption bilang attached agency ng Office of the Ombudsman. Ito ay mag-iimplementa at makikipagkoordinasyon nag mga palisiya para sa prevention, control, at elimination ng graft and corrupt practices sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Samantala, ang HB 967 naman ni Cavite Rep. Francis Abaya ay layong magbigay ng proteksyon at benepisyo para sa mga taong makapagsusumbong ng mga kurap na opisyal at magsisilbi ring testigo laban sa mga ito.

Sa ilalim ng panukala, itatatag ang isang monetary-based rewards system para na magbibigay ng benepisyo para sa mga informants. Sila ay poprotektahan din sa kahit anumang civil o criminal liability kapag nagbunyag na ang mga ito ng impormasyon sa awtoridad.

Ang lahat ng mga nabanggit na bills ay kasalukuyang pending sa committee level sa Mababang Kapulungan.

“We can see that our esteemed and hardworking colleagues have long acknowledged the need to step up our fight against corruption by filing these bills,” wika ni Romualdez added.

Dagdag pa nito, “Upon instruction of the Speaker, we will back the swift passage of these timely bills in line with our commitment to support President Duterte’s order to investigate corruption in all levels of governance.”

LATEST

LATEST

TRENDING