Roque: Duterte, ‘hindi nagmamadaling’ wakasan ang VFA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photos: 2018 Balikatan amphibious exercise
Larawan mula sa: US Marine Corps (Cpl. Charles Plouffe)

Hindi “nagmamadali” si Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Miyerkules habang inaasahang magtatapos ang suspensyon ng terminasyon sa susunod na buwan.

Noong Hunyo, sinuspinde ng pangulo ang kanyang desisyon na abandunahin ang nasabing kasunduan dahil nakita umano nitong namumuo ang tensyon sa South China Sea na nakaaapekto sa Covid-19 response, ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

“That has an option of being further extended by another six months. So, my thinking is, perhaps the President will invoke the second 6-month time to finally abrogate the VFA,” ani Roque.

Dagdag pa nito, “But anyway, what I am saying is, there is no immediate rush for the President to decide because the notification we sent to the Americans gives them at least one year leeway before it’s abrogated.”

Ang terminasyon ng VFA ay unang itinakda noong Pebrero 11, 2020. Sa ilalim ng nasabing kasunduan, na pinangangasiwaan ang aktibidad ng mga sundalong Amerikano sa bansa, ang abrogasyon ng VFA ay magiging epektibo sa loob ng 180 araw matapos makatanggap ng notice ang Amerika.

Ang extension naman ay magreresulta sa pagiging epektibo nito hanggang su huling taon ni Duterte sa puwesto o sa 2022.

Ang VFA, na naging epektibo noong 1999, ay susi sa alyansa ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo, at ito ang nangangasiwa sa daan-daaang joint military activities bawat taon pati na rin ang agarang disaster aid at hakbang kontra-terorismo.

Nakatatanggap ng mahalagang training at equipment ang sandatahan ng Pilipinas mula sa Amerika, kung saan nakakuha ito ng aabot sa $554.55 milyong US security assistance mula 2016-2019.

Ayon naman kay US President Donald Trump tungkol sa VFA: “That’s fine, we’ll save a lot of money.”

LATEST

LATEST

TRENDING