DSWD, posibleng mamahagi ng emmergency shelter assistance sa mga biktima ni ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DSWD Secretary Rolando Bautista

Kinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng emergency shelter assistance para sa mga pamilyang nawasak ang tahanan dahil sa hagupit ng Bagyong Rolly, giit ni DSWD Secretary Rolando Bautista noong Miyerkules.

Aniya, “Habang nakaantala ang ekonomiya sa rehiyon (Bicol), tinitingnan ang pagbibigay ng emergency shelter assistance sa mga pamilyang nasira ang kabahayan dahil sa bagyo.”

Ayon kay Bautista, 3,366 na mga kabahayan ang tuluyang nagiba sa Bicol habang 21,082 naman ang bahagyang nasira.

Pinag-iisipan din umano ng ahensya na magbigay ng financial assistance para sa mga biktima ni Rolly kung maibabalik na ang mga aktibidad pang-ekonomiya sa “cash for work” program nito.

Hinihintay na lamang aniya ng departamento ang pinal na post-disaster needs assessment na layong tukuyin ang lawak ng pinsalang dulot ni Rolly upang malaman ang mga “akmang hakbang” para sa mga apektadong indibidwal, dagdag pa ng kalihim.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief goods at services para sa mga survivors, kabilang na rin ang psychosocial support.

Sinabi rin ni Bautista na mahigit P8 milyong food packs at non-food items ang naipamahagi na.

LATEST

LATEST

TRENDING