‘Trabaho mo maganda’: PRRD, muling dinipensahan si Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na wala siyang mahanap na dahilan para suspendeihin si Health Secretary Francisco Duque III, matapos ipanawagan ng ilang mga kongresista na panagutin ang kalihim para sa umano’y pagkakasangkot nito sa kurapsyon at sa kapalpakan nito na i-manage ang Covid-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Duterte, “nagustuhan” niya ang “surveillance and the vigilance in keeping track of possible outbreak” ni Duque.

“That’s why I cannot find any plausible or even a meager argument for your suspension. Wala akong nakitang ano. Trabaho mo maganda, with the surveillance that you are doing and the vigilance, public health, is amply protected,” giit ng pangulo.

Inaprubahan naman ng isang House joint panel noong nakaraang linggo ang isang committee report na nagsabing sangkot sa katiwalian ang ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kasama ang board chairman na si Duque, at ilang miyembro rin ng Gabinete.

Una ring nagrekomenda ang Senado na sampahan ng kaso si Duque para sa mga umano’y iregularidad sa loob ng PhilHealth.

Tinanggihan naman ni Duque ang kanyang pagkakasangkot sa alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

Noong nakaraang linggo, muling dinipensahan ng pangulo si Duque at sinabing hindi ito nagnakaw mula sa pondo ng bayan.

LATEST

LATEST

TRENDING