PRRD: Mas maraming kurap na opisyal ang patatalsikin at kakasuhan sa Disyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na mas maraming kawani ng gobyerno ang papatalsikin sa puwesto at sasampahan ng kasong kriminal bago magtapos ang taon kung sila ay masasangkot sa kurapsyon.

Kamakailan lamang ay isinailalim ng Office of the Ombudsman sa preventive suspension ang ilang empleyado ng pamahalaan, matapos magpatawag ng malawakang imbestigasyon ang pangulo kontra katiwalian.

“The next round will be by December,” giit ni Duterte noong Nobyembre 2.

Dagdag pa nito, “Many will lose their jobs. Many will be separated from the government. Many will face prosecution, and many will go to jail.”

Noong nakaraang linggo, 44 Immigration personnel ang sinampahan ng six-month preventive suspension order matapos maugnay sa tinaguriang “pastillas” bribery scheme, na kumalap ng hanggang sa ₱40 bilyong halaga ng suhol, batay sa estimate ng isang mambabatas.

Parehong order din ang isinampa naman sa limang Department of Health (DOH) personnel dahil sa pagkukulang ng mga ito sa Covid-19 response, pati na rin sa walong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot umano sa maanomalyang cash advances na nagkakahalaga ng mahigit ₱2.7 bilyon.

“As I’ve said, I will dedicate the last two years, or whatever is left of my term, to fight corruption. Marami ito,” diin ni Duterte.

Noong Agosto, ipinag-utos ng pangulo ang pagbuo ng isang task force na layong paimbestigahan ang mga anomalya sa PhilHealth. Pinalawig naman ito kinalaunan para paimbestigahan ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.

Samantala, ipinahayag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapagtukoy na ang task force ng limang ahensyang bibigyan ng prayoridad sa imbestigasyon. Ang mga ito ay ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department Public Works and Highways, at Land Registration Authority.

Bukod sa DOJ, kasama rin sa task force ang mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President, at Presidential Anti-Corruption Commission.

Binigyan ng pangulo nang hanggang sa Hunyo 30, 2020 ang task force para isakatuparan ang tungkulin nito, kung kailan nakatakdang bumababa sa puwesto bilang pangulo si Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING