PRRD, dinipensahan ang pagiging ‘absent’ sa pananalasa ni ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko noong Nobyembre 2, kung saan kinuwestyon ng mga ito ang kanyang pagiging absent habang nananalasa ang Bagyong Rolly sa ilang bahagi ng bansa, na nagwasak ng libu-libong kabahayan at pumatay nang hindi bababa sa 16 katao.

Nasa Davao City ang pangulo nang humagupit si “Rolly” sa ilang bahagi ng bansa. Dahil dito, naging trending sa social media ang hashtag na #NasaanAngPangulo.

Aniya, “Iyong nagsabi na wala ako rito kasi wala, nasa probinsya, so, what’s your problem? Ang mga papeles pinadala, tapos pirmahan ko. Ipadala ko ulit. Eh, machine lang naman iyan.”

“‘Do you want me to stand doon sa white sand ni [Environment Secretary] Roy Cimatu just to see that I am here?” dagdag pa nito.

Ayon sa pangulo, ang mga probinsyanong tulad niya ay “regular na bumibiyahe” pauwi tuwing ngbabakasyon o pagsapit ng mga okasyon tulad ng Araw ng mga Patay. Dinalaw ng pangulo ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao noong Miyerkules.

“Kaya nga ako nauwi. Itong mga ugok naman, sinabi na wala ako. I was waiting for the typhoon to pass, then lumipad ako,” ani Duterte.

Pinangunahan ng pangulo ang isang aerial survey noong Lunes sa Catanduanes at Albay, kung saan unang nag-landfall si Rolly.

“You know, kung wala kayong patay, okay lang. Kami, may mga patay, kailangan umuwi kami doon sa amin,” wika ni Duterte. 

Ayon naman sa Malacañang at sa disaster council, hindi nagpakita si Duterte sa mata ng publiko nitong weekend dahil “gumagana” naman umano ang mga pamahalaang lokal.

Pinakamalubhang tinamaan ng Bagyong Rolly ang mga lalawigan ng Catanduanes at Albay.

LATEST

LATEST