DOH: Kawalan ng physical distancing at washing facilities, problema sa mga evacuation sites

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Pagsisikip at kawalan ng washing facilities ang idinadaing sa ilang evacuation centers habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic, pahayag ni Health spokesperson Maria Rosario Vergeire kasabay ang pangamba na baka maghawaan ang mga evacuees.

Karamihan sa mga evacuation sites ay puno, kung saan ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng dalawang pamilyang naghahati sa isang modular tent.

Ayon naman kay Health emergency and management bureau chief Dr. Gloria Balboa, pinahintulutan ang ganitong patakaran ng Department of Health (DOH) dahil sa limitasyon. Pinapayagan ito basta’t walang nakararanas ng Covid-19 symptoms at sila ay magkakamag-anak.

Aniya, “Sa isang family kasi, we have to make sure that nobody is symptomatic because…they should not be put in an evacuation center. They should be in an isolation facility. Kung walang sintomas, they are a family, just like in Bicol pwede magsama, but ‘yun na nga, as much as possible.”

Dagdag pa nito, “For those who are not related, they don’t know the exposure, dun tayo mas strict. If congested ang evacuation center, then we have to look for other evacuation centers para ma-decongest sila.”

Kulang din umano sa washing facilities ang iba pang evacuation sites. Ang sanitation at personal hygiene ay mahalaga upang labanan ang coronavirus transmission.

“Not all evacuation centers have adequate wash facilities and putting these facilities should have been done before the actual typhoon, na-check na natin,” giit ni Balboa.

Ayon naman kay Vergeire, ang mga modular tents na may covers sa lahat ng sulok ay makapagbibigay ng sapat na partition para sa evacuees. Subalit, dapat din umanong payagang lumabas ang mga evacuees para makalanghap ng sariwang hangin lalo na ang mga matagal na mananatili sa evacuation sites.

“Meron mask lahat, may safety officer na tumitingin sa kanila regularly so we can be able to monitor kung may magkakasintomas. And ang advice namin, do not try to stay the whole day inside the tent. Try to go out, ‘yung meron pong air kasi enclosed din ang modular tents na ‘yan. Mahirap din na palagiang nasa loob mas hindi healthy sa ating kababayan,” wika ni Vergeire.

Dapat din umanong magkaroon ng hindi bababa sa isang safety officer ang bawat evacuation site upang ma-monitor ang sintomas ng Covid-19. Kinakailangan ding i-follow up ng barangay health emergency response team ang kalusugan ng mga evacuees kapag magsisipag-uwian na ang mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING