DILG, pagpapaliwanagin ang 10 alkalde na ‘absent’ habang rumaragasa si ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Interior Secretary Eduardo Año

Sinabi ng interior department noong Nobyembre 2 na tatanungin nito ang 10 alkalde upang ipaliwanag ang kanilang pagiging absent habang rumaragasa ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon sa kani-kanilang mga pinamumunuang lugar.

Sa 1,047 local chief executives sa disaster-hit areas, 10 ang “unaccounted [for]” habang hinagupit ng Bagyong Rolly ang ilang bahagi ng Luzon nitong weekend, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Aniya, “Ninety-nine percent po [ng mayors] ay nasa kanilang mga lugar para mag-supervise.”

“Iyong 10 na wala ay na-identify na namin at ito ay aking pagpapaliwanagin,” dagdag pa nito.

Unang sinabi naman ng Malacañang at ng disaster council na ang pagiging absent ni Duterte sa mata ng publiko nitong weekend ay dahil “gumagana” umano ang mga lokal na pamahaalan.

Lubhang napinsala dahil sa pananalasa ni “Rolly” ang Catanduanes at Albay.

Dahil sa malalakas na hangin at ulang hatid ni “Rolly”, itinumba nito ang mga linya ng kuryente, at nagdulot din ng pagbaha at landslides na nagpalubog sa ilang kabahayan.

Tinatayang nasa 400,000 katao ang nagsilikas bago tumama ang bagyo at karamihan sa mga ito ay nananatili pa rin sa evacuation centers.

Nagkukumahog naman ang mga awtoridad na ibalik ang linya ng kuryente at komunikasyon sa mga lugar na pinakamalubhang tinamaan ng Bagyong Rolly.

LATEST

LATEST

TRENDING