Roque sa SALN ni Duterte: “Saka na po natin pag-usapan”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Isinantabi ng Malacañang noong Nobyembre 2 ang usapin tungkol sa pagsasapubliko sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte sapagkat dapat muna aniyang ibaling ang atensyon ng pamahalaan sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa.

Binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang linggo na tatanungin niya si Duterte kung papayag itong isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). 

Subalit, nang tanungin para magbigay ng update, sinabi ni Roque na: “Saka na po natin pag-usapan iyan. Dito muna tayo sa bagyo.” 

Idineklara ni Duterte bawat taon ang kanyang kayamanan sa Office of the Ombudsman.

Subalit kamakailan ay naglabas ng memorandum circular ang Ombudsman na naghigpit sa access ng publiko sa mga SALN ng opisyal sa kauna-unahang pagkakataon simula nang gawing mandatoryo ng batas ang pagsasapubliko nito noong 1989, ani Roque.

“Wala pong itinatago ang ating Presidente,” unang naging pahayag ni Roque.

 Ayon sa nasabing circular, maaaring ibigay lamang ang mga kopya ng SALN kung:

– ang request ay magmumula sa declarant o ang taong nag-file ng SALN o kanyang awtorisadong representatibo;
– may court order; o
– may request mula sa field investigation units ng Ombudsman. 

LATEST

LATEST

TRENDING