Robredo, binisita ang mga sinalantang lugar ni ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
LOOK: Robredo checks, brings relief to Rolly-hit Camarines Sur
Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa Brgy. Sabang, Calabanga, Camarines Sur

Binisita ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Nobyembre 2 ang mga lugar na malubhang tinamaan ng Bagyong Rolly sa Bicol region.

Unang dumaan si Robredo sa Camarines Sur, kung saan ibinahagi nito sa social media ang ilang larawan ng nasirang kabahayan at nagsitumbahang poste sa lugar.

“Left Manila before dawn today. Just arrived CamSur and these were the first signs of devastation we saw,” ani Robredo sa isang tweet.

Binisita rin nito ang Sabang National High School sa bayan ng Calabanga, na kasalukuyang nagsisilbing evacuation center subalit nasira dahil sa pananalasa ni Rolly noong Linggo.

Mag-iikot umano ang pangalawang pangulo sa Albay at Catanduanes sa kanyang trip.

Magbibigay din aniya ang kanyang tanggapan ng relief packs para sa mga apektadong lugar.

Isa ang Albay sa apat na lugar kung saan nag-landfall ang Bagyong Rolly nitong weekend. 16 katao na ang nasawi dahil sa pananalasa ng pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING