PRRD, pinuri ang mga opisyal ng Guinobatan, Albay sa isinagawang preemptive evacuation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte sa Guinobatan, Albay

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2 ang mga opisyal ng Guinobatan, Albay para sa pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar na malubhang tinamaan ng Bagyong Rolly, dahil ito aniya ay nakapagligtas ng maraming buhay.

“You have to credit the foresight of the local officials that they warned the residents well and advanced and there was an evacuation way long before it actually happened. For that alone I’d like to thank the officials of Guinobatan,” ani Duterte.

Inutusan din ng pangulo sina Environment Secretary Roy Cimatu at Public Works Secretary Mark Villar na suriin ang naganap na lahar mudflows na nagbaon sa ilang kabahayan sa Guinobatan.

Aniya, “I think it’s the construction there are getting the raw materials from sa Guinobatan mismo at yun, every washout, water from the mountains, dadalhin talaga doon sa baba. But, anyway sabi ko, we will look into it, I will ask Secretary Villar and Secretary Cimatu, who would have a knowledge about these things, kung may magawa sila.”

Bilang pagtugon, tiniyak naman ni Villar sa pangulo na personal niyang titngnan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay.

“Personally, I will look into this, the issue on quarrying. I will go there and to observe. We will act on this immediately,” wika ni Villar.

Nagbigay din ng utos ang pangulo sa Local Water Utilities Administration (LWUA) na siguraduhing may malinis na tubig sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

“I am directing LWUA to help. Go there and help repair the water system. Walang tubig ang mga tao doon so let it not be…I want to know if there is somebody there already working on it,” giit ni Duterte.

Hinikayat din ng pangulo ang iba pang mga ahensya na magbigay ng pagkain at ayudang pinansyal para sa mga apektadong residente.

Aniya, “Kung may maibigay ang gobyerno, I was not sure, I was not categorical in the financial assistance but sabi ko pagkain aabot sa inyo.”

Pinulong ng pangulo ang kanyang Gabinete matapos bisitahin ang Guinobatan upang makipagkita sa mga residenteng malubhang naapektuhan ng super typhoon.

Nagsagawa rin si Duterte ng aerial inspection kasama si Sen. Bong Go sa mga lugar na malubhang tinamaan ng bagyo partikular na ang Albay at Catanduanes.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga lalawigan ng Albay at Catanduanes ay ang pinakamalalang napinsala ni “Rolly”.

Aabot sa 108,555 na pamilya o katumbas sa 389,867 kataong naninirahan sa NCR, CAR, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Eastern Visayas ang nag-preemptive evacuation dahil sa Bagyong Rolly.

LATEST

LATEST

TRENDING