#NasaanAngPangulo: Gordon, idiniing may karapatang magpahinga si PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Rodrigo-Roa-duterte-Richard-gordon-relationship
Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Richard Gordon
Larawan mula sa: DailyPedia

Walang nakitang mali si Sen. Richard Gordon noong Nobyembre 2 sa pananatili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tahanan sa Davao City habang nasa kasagsagan ng Bagyong Rolly, ang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.

Naging trending sa social media ang hashtag na #NasaanAngPangulo nitong weekend matapos kwestyunin ng mga netizens ang hindi pagpapakita ng pangulo bago ang inaasahang pagdating ng delubyo.

“Each one to his own taste and judgment… Even God said you should rest on the 7th day,” ani Gordon.

Dagdag pa nito, “Everybody has the duty to protect the president of the Philippines. The president will not go if there is a threat to his life and a threat can be physical or can be a health threat.”

Itinanggi ni Gordon ang mga obserbasyon na nagbibigay ng masamang impresyon ang pangulo dahil sa hindi nito pagpapakita sa publiko habang may kalamidad.

“I think ang problema kay Presidente is he is [health] compromised,” wika ni Gordon.

“I don’t know what his illness is… It may not be life threatening but he may be compromised if he is exposed to someone with Covid,” giit ng senador.

Dagdag pa nito, “Sa akin, so long as he is happy with himself, he can work, he is safe.”

LATEST

LATEST

TRENDING