Malacañang, itinangging may ‘communication vacuum’ sa typhoon-hit areas bagama’t ipinasara ang ABS-CBN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Bagama’t lumitaw ang usapin tungkol sa kawalan ng news coverage sa mga liblib na lugar na apektado ng bagyo, iginiit ng Malacañang na walang  “communication vacuum” na posibleng nagpahinto o nagpaantala sa disaster response sa mga nasabing lugar.

Sa isang press briefing noong Nobyembre 2, hindi sinang-ayunan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagtanggi ng pamahalaan sa ABS-CBN franchise renewal ay naglimita sa access ng tao sa impormasyon habang humahagupit ang Bagyong Rolly sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.

Aniya, “Sa tingin ko wala namang vacuum at nandyan naman po ang ating mga pribadong news agencies at nandyan ang mga matatapang, magagaling at masisipag na reporters ng radyo.” 

“Sa tingin ko po walang nagkaroon ng communication vacuum,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag din ni Roque na aktibong rumeresponde ang communication platforms ng gobyerno habang may emergency.

“Gumagana po ang communication infrastructure ng gobyerno sa panahon ng aberya,” wika ni Roque.

Dinipensahan din ng tagapagsalita ng pangulo ang delayed briefing ng pamahalaan, na naganap ilang oras matapos makapag-landfall nang mahigit isang beses si Rolly.

“Inaasahan nga po natin yung landfall kahapon, at sa totoo lang po, araw ng Linggo naman iyon…Kahapon pa lang naman po pumasok ang bagyo. At bago po iyan, patuloy naman po ang briefing na ginagawa ng NDRRMC,” paliwanag ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING