Galvez, itinalagang vaccine czar ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
National Task Force against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si peace process Secretary Carlito Galvez Jr. upang pangunahan ang importation at distribution ng Covid-19 vaccine na makukuha ng bansa sa hinaharap, pahayag ng Malacañang noong Nobyembre 2.

Sa isang televised speech, binanggit ng pangulo na nakatanggap ito ng mga ulat na ilang mga tao ang “nakikipagnegosasyon” na umano para sa bakuna.

Sinabi ni Duterte na nais niya ng “only one line of authority coming” at kanyang binigyan ng awtoridad si Galvez para sa “negotiation, manufacture, production, or distribution” ng bakuna kontra Covid-19. Si Galvez din ang nagsisilbing chief implementer ng National Task Force against Covid-19.

“Isa lang. Ayaw ko ‘yang committee-committee. Matagal ‘yan. I have great faith in Charlie to really come up with the solutions for the problem,” ani Duterte, habang binanggit ang nickname ni Galvez.

Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Galvez bilang vaccine czar.

Unang sinabi ni Roque na bagama’t may pondo na para sa pagbili ng bakuna, nananatiling “hamon” ang importation at storage nito.

Ang potential coronavirus vaccine ay dapat ilagay sa malamig na storage facility, kung saan may temperaturang aabot sa -90 degrees Celsius. Isa lamang ang ganitong pasilidad ng bansa at ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa, paliwanag ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING