DepEd: Principals, magpapasya hinggil sa pagdaraos ng make-up classes sa typhoon-hit areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio

Maaari aniyang magdesisyon ang mga principals ng mga paaralang matatagpuan sa typhoon-hit areas sa pagsasagawa ng makeup classes, giit ng Department of Education (DepEd) noong Nobyembre 2, isang araw matapos manalasa ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon sa bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, may awtoridad ang mga school heads na magpasya ukol sa pagsasagawa ng makeup classes alinsunnod sa consultation sa concerned stakeholders.

“Decisions on make-up classes are within the authority of Principals to decide, upon due consultation with stakeholders,” ani San Antonio.

Nagsasagawa ang mga paaralan ng makeup classes para makahabol ang mga estudyante sa mga araling kanilang na-miss dahil sa class suspensions.

Ipinahayag naman noong Nobyembre 1 ng Educo Philippines, isang non-government organization na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa bansa, na nakaranas ng problema ang mga mag-aaral sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Rolly at Quinta dahil pinutol nito ang linya ng internet at kuryente.

Hinikayat naman ng Alliance of Concerned Teachers ang pamahalaan na aksyunan ang mga hinanaing ng education sector lalo na ang mga lugar na apektado ng bagyo.

“Despite the enormous damage brought about by typhoon Rolly to large parts of Luzon, we have not even heard of class and work cancellation in affected areas for the next days,” wika ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Hinimok din ni Basilio ang ahensya na i-assess ang pinsalang hatid ni Rolly sa infrastructure, equipment at materials para sa distance learning.

Wala namang naging agarang komento mula sa DepEd hinggil sa pahayag ng ACT.

Samantala, nauna namang sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na suspendehin ang klase kung saan kinakailangan ng mga pamilya na maghanda para sa paparating na bagyo, na posibleng ikawala ng kuryente at internet.

LATEST

LATEST

TRENDING