Train at flight operations, pansamantalang ipinahinto dahil kay ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pansamantalang sinuspinde ang mga pangunahing transportation services sa bansa dahil sa mga posibleng maging epekto ni Super Typhoon Rolly, ayon sa ilang ahensya ng pamahalaan nitong weekend.

Sa inilabas nitong advisory noong Nobyembre 1, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nagsuspinde ng operasyon ang Light Rail Transit (Lines 1 at 2), Metro Rail Transit Line 3, at Philippine National Railways (PNR) habang isinailalim ang Metro Manila sa Signal No. 4.

Nilinaw naman ng ahensya na ihahatid patungo sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga pasahero at empleyadong nasa train stations na bago pa man ang suspensyon.

Samantala, pansamantala ring magsasara sa loob ng 24 oras simula Linggo ng 10 A.M. ang Ninoy Aquino International Airport.

Nag-abiso naman ang Manila International Airport Authority sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga concerned airlines tungkol sa bagong flight schedules.

Nag-landfall nang dalawang beses noong Linggo ng umaga si “Rolly” — isa malapit sa Bato, Catanduanes at isa naman sa Tiwi, Albay.

Nagbabala naman ang PAGASA ng posibleng malalakas na hangin at pag-ulan sa paglipas ng oras.

LATEST

LATEST

TRENDING