State of calamity, idineklara sa Cavite

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nasa ilalim na ng state of calamity ang buong Cavite na sinalanta ng Bagyong Rolly noong Nobyembre 1.

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite, na nasa state of calamity na ang probinsiya, alinsunod sa isang ipinasang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Pinaaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng lalawigan na mag-ingat at lumikas kung kinakailangan habang nakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal. 

Daan-daang residente ang nagsipaglikas sa mga evacuation centers ng Carmona, Tagaytay, Cavite City, Naic, Ternate, Magallanes, General Mariano Alvarez, Rosario, at Noveleta bunsod ng bantang hatid ng pagbaha, pagguho ng lupa, at daluyong dahil sa Bagyong Rolly. 

Sa ngayon, nadadaanan na ang mga kalsada at normal na rin ang lebel ng tubig sa mga pangunahing ilog ng lalawigan.

LATEST

LATEST

TRENDING