Robredo, idiniin ang kahalagahan ng paggawa ng disaster-resilient infrastructures sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Binigyang diin ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Nobyembre 1 ang kahalagahan ng pagtatayo ng mas maraming disaster-resilient infrastructures sa bansa at pag-invest sa mga risk reduction projects, kasabay nang pagbayo ng Bagyong Rolly sa iba’t-ibang panig ng bansa habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Iyong parati lang na lesson talaga sa atin pag bagyo, kahit gaano kaaga iyong babala, marami pa rin mga hindi naiiwasan kasi kulang talaga ang ating infrastructure para sa mga ganito.”

Bukod sa pagtatayo ng seawalls sa coastal communities upang ibsan ang epekto ng storm surge, iminungkahi rin ni Robredo sa mga pamahalaang lokal na i-upgrade ang mga istruktura, partikular na ang mga paaralan na nagsisilbi ring evacuation centers, upang maging mas matibay ito laban sa kalamidad.

“Ito nangyayari talaga ito, kaya nga sinasabi ko na sa mga lugar na daanan ng bagyo na mahalaga na iyong design ng mga paaralan mas resilient,” giit ni Robredo.

Hinikayat din nito ang mga pamahalaang lokal na i-upgrade at gawing two-storey buildings ang mga pampublikong paaralan, dahil karamihan umano rito ay isang palapag lamang kung saan mahirap ang pagpapatuloy sa mga residente sakaling magkaroon ng pagbaha.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na dapat mag-isip nang malawak ang mga opisyal sa paghahanda para sa mga sakuna at evacuation upang masigurong walang maiiwan. Ito rin ay dahil sa maraming mga residente ang nagnanais na maiwan sa mga tahanan upang bantayan ito at ang mga alagang hayop.

“Kaya kahapon ni-remind ko na naman sila na dapat may evacuation center na ang mga hayop para wala nang dahilan para magpaiwan. Kasi minsan, kahit forced evacuation, talagang may mga tumatago,” wika ni Robredo.

Kasabay nang pagbanggit sa mga drainage systems bilang halimbawa, idinagdag din ni Robredo na mahalagang makipagkooperasyon ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensya sa paggawa ng risk management plans, sapagkat may epekto ang desisyon ng isang area sa iba pang areas.

LATEST

LATEST