Malls, nagpatuloy ng stranded customers dahil sa Bagyong Rolly

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagbigay ng masisilungan ang mga malls noong Nobyembre 1, habang rumagasa ang Bagyong Rolly sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sinabi ng SM Supermalls na isinara nito ang mga branches sa buong Luzon noong 1 P.M. maliban na lamang sa mga nagsara noong 7 P.M. na kinabibilangan ng:

  • SM City Baguio
  • SM City Rosales
  • SM City Urdaneta Central
  • SM Center Dagupan
  • SM City Cabanatuan
  • SM Megacenter Cabanatuan
  • SM Center Tuguegarao Downtown
  • SM City Cauayan

Magpapatuloy din ang SM Malls ng sinumang nais sumilong mula sa hagupit ng bagyo.

Isinara rin ang Ayala Malls sa Luzon sa parehong araw subalit pinahintulutang tumuloy ang mga stranded na customers, ayon sa pamunuan nito. Nagbukas din ang ilang essential stores sa limitadong oras.

Isinara naman ng Vista Malls ang mga branches nito noong 1 p.m. subalit pinayagan hanggang 3 p.m. ang mga essential shops, services, at piling food tenants na makapag-operasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING