Duque, inutusan ang mga lokal na opisyal na iimplementa ang health protocols sa evac centers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOH Secretary Francisco Duque III

Ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque III noong Nobyembre 1 sa mga lokal na opisyal na tiyaking masusunod ang mga health protocols kontra Covid-19 habang nalalapit sa kalahating milyon ang nagsilikas bunsod ng Bagyong Rolly.

Sinabihan ni Duque ang mga local chief executives na magtalaga ng mga safety officers na magsisigurong masusunod ang mga health and safety protocols laban sa Covid-19.

Aniya, “Pinapaalalahanan natin ang ating mga local chief executives na magtalaga tayo ng safety officers sa ating mga evacuation centers.”

“Kung kaya po natin ay limitahan ang mga tao sa mga evacuation center. Kung talagang hindi naman maiiwasan dahil walang ibang facility na pagdadalhan, mag-doble ingat tayo at makinig sa ating safety officers,” dagdag pa ng kalihim.

Pinaalalahanan din ni Duque ang mga evacuees na obserbahan ang physical distancing, tamang paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa paghawak ng mukha, at pagsusuot ng face masks.

Inabisuhan din nito ang mga nagsilikas na magkonsulta ng doktor sakaling makaranas ng sintomas ng Covid-19.

Hinikayat din ni Duque ang publiko na huwag maglakad sa tubig baha, na maaaring makapagdulot ng leptospirosis.

“Kung hindi po maiwasan [maglakad sa baha] ay magsuot ng protective wear o bota,” paliwanag ni Duque.

LATEST

LATEST