Disaster teams ng DSWD, nakahanda na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: DSWD-3

Kasado na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lahat ng disaster response teams nito na nasa daanan ng Bagyong Rolly.

Nasa alert status na rin ang mga ito upang magresponde sa kahit anumang pangyayaring kaugnay ng bagyo.

Ayon sa Disaster Response Management Group (DRMG) ng ahensya noong Nobyembre 1, nakahanda na para sa deployment ang Quick Response Teams (QRTs) na layong magbigay-tulong sa mga local government units (LGUs) sa kani-kanilang disaster response.

Nakahanda na rin ang rmergency equipment para tiyaking hindi maaabala ang komunikasyon sa pagitan ng disaster teams tuwing may disaster operations.

Batay sa datos noong 6 P.M. ng Oktubre 31, sinabi ng DSWD na nakahanda na rin ang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng mahigit P884 milyon.

Sa pondong ito, mahigit P304 milyong standby funds na ang available sa central at field offices. 260,164 family food packs (FFPs) din ang naka-preposition sa iba’t-ibang panig ng bansa.

LATEST