Albay governor, umapela ng tulong sa national gov’t dahil sa pananalasa ni ‘Rolly’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Charism Sayat (Manila Bulletin)

Humihingi ng tulong si Albay Governor Al Francis Bichara mula sa national government matapos hagupitin ang kanyang lalawigan ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Bichara, kabilang aniya sa mga nasirang istruktura ang 150 kabahayan sa isang barangay sa Guinobatan, na sinalanta ng lahar at mudflow mula sa Bulkang Mayon.

Tinatayang nasa 150,000 residente rin umano ang inilikas bago mag-landfall si “Rolly” subalit marami na rin ang nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Ang ilan, tulad ng mga nakatira sa Guinobatan, ay posibleng magtagal pa umano sa mga evacuation centers.

“Pero ‘yung nawalan ng ano, hindi makakabalik sa bahay dahil nakalubog, lalo na sa Guinobatan. Talagang permanenteng lubog na yung mga bahay dahil nag-iba yung direction ng lahar, inabot yung sitio sa isang barangay,” giit ni Bichara.

Humihingi ng tulong ang gobernador lalo na para sa food supplies mula sa national government, upang maipamahagi sa mga naging biktima ng bagyo.

LATEST