Pagsasailalim ng buong bansa sa MGCQ, target sa Q1 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dapat isailalim na sa pinakamababang antas ng community quarantine sa first quarter ng 2021 ang buong bansa, batay sa itinakdang ng Department of Health (DOH).

Kasalukuyang umiiral ang modified general community quarantine (MGCQ) sa lahat ng mga lugar sa bansa maliban sa Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sura. Ang mga nasabing lugar ay mananatili sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa dulo ng Nobyembre.

Sa isang online media briefing noong Oktubre 31, ipinahayag ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na dapat magkaroon ng episyenteng surveillance at contact tracing systems ang mga pamahalaang lokal upang maisakatuparan ang mas magaang community quarantine.

Aniya, “Doon sa targets and milestones na ating inilatag, aming tinitingnan na baka by first quarter of 2021, hopefully all local governments will be able to shift to MGCQ already because they have achieved their gatekeeping indicators.”

Sa ilalim ng MGCQ, ang mass gatherings tulad ng movie screenings, concerts, sporting events, at iba pang entertainment activities, religious services, at work conferences ay puwede nang pahintulutan nang hanggang sa 50% ng venue capacity. Ang lahat ng ito maliban sa religious services ay bawal pa rin sa ilalim ng GCQ. Pinapayagan ng pamahalaan ang mga simbahan nang hanggang sa 30% seating capacity.

Kinokonsidera ng gobyerno ang MGCQ bilang transition phase patungo sa “new normal,” ang hudyat ng pagtanggal ng community quarantine. Sa puntong ito, kinakailangan lamang ng publiko na obserbahan ang public health standards tulad ng tamang paghuhugas ng kamay at social distancing.

LATEST

LATEST

TRENDING