Opisyal ng DPWH, sinampahan ng kasong graft and corruption sa Ombudsman

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inihain sa Office of the Ombudsman ang kasong graft and corruption; at pagdaraos ng partisan political activities laban sa isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DWPH).

Inireklamo ni Quezon Councilor Arkie Yulde si DPWH Region 1 Director Ronnel Tan, asawa ni Quezon Representative Helen Tan.

Giit ni Yulde, nag-host ng isang party ang nasabing opisyal kung saan nagpakalat aniya ito ng salapi sa ere.

Nagkakahalaga umano ng P2.3 milyon ang ipinakalat nitong pera.

Binanggit din ng nagreklamong si Yulde na may pag-aari rin si Tan na isang 600-sqm property na matatagpuan umano sa isang posh subdivision sa Quezon City.

Sinabi rin ng konsehal na pinigilan umano ni Tan ang mga opisyal ng barangay sa pagdalo sa mga pagpupulong sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo Suarez.

Bumuwelta naman si Tan at agarang tinanggihan ang mga nabanggit na paratang.

Aniya, mayroong mga sari-sariling negosyo at ari-arian ang kanyang mga anak kung saan nakadeklara ang lahat ng mga ito sa Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ng kanyang asawa.

LATEST