Duterte nasa Davao pa rin, subalit nakatutok pa rin kay ‘Rolly”: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nananatiling nasa Lungsod ng Davao si Pangulong Rodrigo Duterte, subalit mariin umano nitong mino-monitor ang kalagayan ng Bagyong Rolly, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Nobyembre 1.

Aniya, “Sa ngayon po, nasa Davao po ang ating Presidente. Ang scheduled pagbalik po niya ay sa Tuesday, pero siya po ay nakatutok, at siya nga po nag-utos sa atin na mag-conduct ng ganitong press briefing.”

Hindi dumalo si Duterte sa ginanap na briefing ng mga high-level officials tungkol sa bagyo, kung saan kinuwestyon ito ng mga netizens. Nag-viral naman ang hashtag na #NasaanAngPangulo na naging top trending topic sa social media nitong weekend.

Ayon kay Roque, hindi naka-attend si Duterte dahil mahihirapan umano itong bumiyahe patungong Kamaynilaan habang nasa kalagitnaan ng bagyo.

Gayunpaman, sinabi nitong magbibigay ng public address ang pangulo sa taumbayan anumang oras.

“Alam ko po there will be an address, hindi ko lang po alam exactly kung kailan. But the nation will find out, I will give advance notice po,” wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING