Claims ng mga pribadong ospital na aabot sa P3-B, ‘di pa aniya nababayaran ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nababahala ang isang grupo ng mga pribadong ospital dahil posibleng magsara ang ilan sa kanila bunsod ng pagkalugi. Umaabot na kasi aniya sa mahigit P3 bilyon ang claims ng mga pribadong ospital na hindi nababayaran ng PhilHealth simula noong Setyembre.

“Pagka iyon pong maliliit na hospitals talaga pong malapit na magsara. ‘Yung iba po talagang sinasarahan na lang nila yung iba nilang beds para huwag na lang silang makapag-admit,” paliwanag ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Philippine Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI).

Umaapela rin ang grupo sa PhilHealth na pahintulutan ang co-payment o pagbayad ng lagpas sa PhilHealth coverage ng mga pasyente.

May itinakda lamang kasi aniyang rate ang Covid-19 coverage na sasagutin ng PhilHealth.

“Halimbawa mild cases po ng Covid, ang ibibigay lamang po nila ay P43,000 plus, mayroon po silang moderate, mayroong severe, at mayroong kritikal. ‘Yung kritikal po P700,000 plus, pero ang lahat pong ‘yon ay kulang na kulang po ‘yon sa mga ginagamit sa pasyente,” dagdag pa ni de Grano.

Kadalasan ay lagpas sa case rate ang bill ng mga pasyente at bukod pa sa kaakibat na gastusin upang maprotektahan ang mga health workers. Subalit, di tulad ng ibang sakit, ipinagbabawal para sa mga Covid-19 patients ang lagpas sa mga itinakdang rate alinsunod sa direktiba ng PhilHealth.

“”Yun naman pong pasyente na kayang magbayad doon sa excess, magbayad naman sila. I-allow nating magbayad. Hindi po ‘yung mapipilitan ang mga hospitals na ubusin ang kanilang resources,” wika ni de Grano.

Kinukulit na ng PHAPI ang PhilHealth na magbayad na ito.

LATEST

LATEST

TRENDING