‘Rolly’ inaasahang magdudulot ng matinding pinsala sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Catanduanes under Signal No. 3 as Typhoon Rolly nears
Larawan mula sa: NOAA

Malawakang pinsala ang inaasahang hatid sa ilang bahagi ng bansa ng Bagyong Rolly habang papalapit ito sa lupa, ayon sa isang mataas na disaster official, kung saan ito na raw ang pinakamalakas na bagyong tatama kasunod ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Sa isang press briefing noong Oktubre 31, ipinahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Director Ricardo Jalad na inaasahan ang “heavy to very heavy” damage sa ilang bahagi ng bansa dahil hindi pa umano nakakabangon ang ilang lugar mula sa pinasalang idinulot ni Bagyong Quinta, na rumagasa sa Southern Luzon nitong linggo.

Naghahanda na umano ang mga local government units (LGUs) para kay Rolly, na siyang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.

Aniya, “Malawak na pinsala ang nakikita natin dito kahit hindi siya maging supertyphoon. Kung typhoon level lang ay aabot tayo sa typhoon signal number 4 at magkakaroon na lakas ng hangin na 171- 220 kph at asahan natin ang heavy-very heavy damage sa kaniyang daraanan kaya puspusan ang paghahanda ng LGUs.”

“Maaaring mag-super typhoon ito, maaaring pinakamalakas na bagyo simula ng kay Typhoon Yolanda, ” dagdag pa ni Jalad.

Mahigit 6,000 katao ang nasawi noong manalasa ang Bagyong Yolanda noong 2013.

Taglay ni Rolly, ang ika-18 na bagyong dadaan sa bansa ngayong taon, ang maximum sustained winds na 215 kilometers per hour malapit sa sentro at gusts na aabot nang 265 kph as of 11 a.m., ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Nagbabala naman ang NDRRMC para sa mga residenteng nakatira sa dadaanan ng bagyo na manatili sa mga bahay o di kaya ay magtungo sa evacuation centers.

Nagpaalala rin ito na huwag maliitin ang epekto ng bagyo, na maghahatid ng malalakas na hangin at ulan.

“If you are outside and you are exposed to this wind, the force of the wind can actually carry away or even unclothe you and this is very dangerous because other than that the wind is capable of breaking trees, breaking houses made of light materials,” giit ni NDRRMC spokesman Mark Timbal.

Nag-umpisa na ring mag-evacuate ang mga LGUs ng kani-kanilang mga residente habang inaasahan ang pagdala ng bagyo ng malalakas na pag-ulan ngayong weekend. Inaasahan din ang paghahanda para sa mga “storm centers.” 

“Inaasahan natin na ang LGUs kasama ihanda ang storm centers. Kabilang sa mga andiyan sa sentro ng bagyo kailangan hindi iyan magiba, dapat gawin nila ngayon habang paparating ang bagyo hopefully hindi maging super typhoon,” wika ni Jalad.

Bukas aniya ang mga paaralan na tumanggap ng mga magsisipaglikas na residente, kasabay ang pag-implementa ang wastong distancing protocols habang nasa gtina rin ng pandemiya ang bansa.

Tiniyak naman ng NDRRMC na may sapat na pondo para tugunan ang magiging epekto ng bagyo, kung saan may nakalaan na P800 milyong standby funds, pati na rin ang relief packs at non-food items. 

Ipatutupad din ang health protocols sa evacuation centers, dagdag pa ng opisyal.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na sundin ang evacuation protocols, habang sinigurong may sapat na ayuda para sa mga ito.

LATEST

LATEST