PH, naghahanda sa pagtama ng pinakalamalakas na bagyo sa mundo ngayong 2020

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magdadala ng malalakas na hangin at pag-ulan sa ilang mga lalawigan kabilang na ang Metro Manila, pati na rin ang pagkakaroon ng storm surges sa mga coastal areas habang papalapit ang Bagyong Rolly na inaasahang magiging super typhoon paglipas nang ilang oras, ayon sa weather bureau na PAGASA.

Batay sa 11 a.m. forecast nito, taglay ni Rolly ang maximum sustained winds na 215 kilometers per hour malapit sa sentro, at gusts na posibleng umabot ng 265 kph— ang pinakamalakas na bagyong tatama sa bansa simula nang tumama ang Bagyong Yolanda noong 2013.

Sa peak ng bagyo, umaasa ang PAGASA na itataas nito ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4, ang ikalawang pinakamataas sa limang kategorya, kung saan inaasahan ang malalakas na bugso ng hangin at matinding pinsala sa mga istruktura.

Noong 11 a.m., isinailalim na ng PAGASA ang lalawigan ng Catanduanes sa Signal No. 3, habang ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay nasa ilalim ng Signal No. 2.

Inaasahang mag-uumpisa ang pag-ulan sa Sabado, habang nag-isyu naman ng mga warnings para sa coastal areas na maaaring tamanaan ng 2 hanggang 3 metrong storm surges sa susunod na 48 oras.

Kabilang dito ang northern coastal areas ng Quezon, Polillo Islands, at coastal areas ng Aurora, Marinduque, Bicol region, northern Samar, at Quezon, ayon sa PAGASA.

Umaasa naman ang disaster response agency na magdudulot ng matinding pinsala ang bagyo.

“Malawak na pinsala ang nakikita natin dito kahit hindi siya maging super typhoon. Kung typhoon level lang ay aabot tayo sa Typhoon Signal No. 4 at magkakaroon na lakas ng hangin na 171-220 kph at asahan natin ang heavy to very heavy damage sa kaniyang daraanan,” paliwanag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Director Ricardo Jalad.

Dagdag pa nito, si Rolly aniya ang “pinakamalakas na bagyong tatama simula noong Bagyong Yolanda.” Noong tumama so Yolanda noong 2013, mahigit 6,000 katao ang nasawi at naging malawak ang pinsala sa mga istruktura kung saan patuloy pa rin ang reconstruction at rehabilitation efforts hanggang ngayon.

Naghahanda na ang bansa sa pagtugon sa bagyo habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic. Nagpulong ang Department of Health kasama ang mga local government units (LGUs) noong Sabado upang talakayin kung paano masisiguro ang kaligtasan ng mga residente na posibleng sapilitang ilikas sa mga evacuation centers.

Ayon kay DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, dapat striktong obserbahan ang pagsusuot ng face masks, physical distancing, at tamang paghuhugas ng kamay sa mga evacuation centers.

Aniya, “‘Yan po ang ating ina-anticipate, alam po natin may LGUs na walang facilities at baka magkaroon po ng siksikan. Ang amin pong binibigyan na paalala, lahat po dapat naka-mask, dapat may handwashing stations at mga alcohol at pinakaimportante po dapat may safety officers.”

Dapat din aniyang i-monitor ng mga safety officers ang aktibidad sa loob ng evacuation centers at mag-ulat kung may ilang nakararanas ng Covid-19 symptoms.

Sa lalawigan ng Camarines Sur sa Bicol region, kung saan inaasahang unang mararamdaman ang epekto ng bagyo, ipinag-utos na ng provincial government ang forced evacuation ng mga residente sa mga high-risk areas.

Noong Biyernes, nilagdaan ni Gov. Miguel Luis Villafuerte ang Memorandum No. 4 na nag-utos sa evacuation ng mga residenteng nakatira sa mga bahay na yari sa light materials, kabilang ang mga nakatira sa landslide at flood-prone barangays.

Nagkaroon din ng force evacuation sa Real, Quezon, kung saan inaasahang magla-landfall ang bagyo. Inaasahan din ang pagkakaroon ng storm surges. Ilang residente naman ang lumikas patungo sa kani-kanilang mga kamag-anak sa paanan ng Sierra madre. Inalis na din ang mga bangka sa dalampasigan.

Ang lalawigan naman ng Oriental Mindoro, na hindi pa nakakabangon mula sa hagupit ni Bagyong Quinta ilang araw pa lang ang nakalilipas, ay naghahanda na naman para sa isang panibagong bagyo, habang nagpapatuloy ang relief operations sa lugar.

Sinuspinde na ng Philippine Coast Guard ang mga biyaheng pandagat na nasa daanan ng bagyo upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mangingisda.

Sa Matnog, Sorsogon, mahigit 300 na sasakyan at tinatayang nasa 800 pasahero ang stranded simula Sabado ng umaga bunsod ng travel suspension.

LATEST

LATEST

TRENDING